summer vacation..
Written on March 24, 2008 – 2:57 am | by japhotz
weE.. summer vacation na.!tapos na ang isang school year at nagsisimula nanaman ang panibago.. medyo late ang pagsusulat ko eh.. ngeun ko lang kasi nalaman kung panu gumawa ng blog.. haha.. so.. this blog is all about our summer vacation in palawan.. last thursaday, march 20, pumunta kami sa palawan.. sumakay kami sa eropleyn.. after an hour, nasa palawan kami.. doon kami naglunch sa house ng cousin ng tito ko.. pagkatapos sumakay kami ng van papuntang el nido.. ang haba ng byahe namin.! 6 hours kaming nakaupo sa bus.! hanep.! perook lang kasi maganda talaga ang mga view at ganda din ng beach.! pagdating namin sa el nido, nagpahinga lang kami saglit at nagpalit na kami ng damit para maligo sa beach.. saglit lang kami naligo kasi gabi na noon.. kinabukasan, pagkagising ko, nakita ko kaagad ang guy friend ko since elementary years, at ngayon.. gay na gay na.! "queenie" nalang ang itawag natin sa kanya.. ayaw ko kasi ibunyag ang true name nya.. naligo na kami at pumunta na kami sa sasakyan naming bangka.. makalipas ang 1 oras, tumigil na ang bangka na sinasakyan namin at na sa "small lagoon" na daw kami.. noong una, nagdadalawang isip pa ako kung bababa ako dahil nakapantalon lang ako at nakapang-alis ako.. wala pa akong dalang pamalet na damit at tsaka kinakabahan akong bumaba dahil hindi ako marunong lumangoy, pero di nagtagal.. pinasuot nalang nila ako ng life jacket para daw lumutang ako.. hehe.. lumangoy na kami simula sa bangka hanggang sa small lagoon.. may mga isdang nangunguryente kapag ibinababa namin yung paa namin.. gulat na gulat talaga ako kapag may kumakagat sa akin na isda sa paa.. haha.. nakakapagod yung araw na iyon.! hehe.. kinabukasan, maaga kami umalis ng hotel dahil kailangan pa naming magbyahe sa "dulo na walang hanggan".. wAaA.. iniexsagerate ko namang masyado.. anim na oras lang naman na byahe eh.. haha.. pagkadating namin sa puerto princesa, bumili kami ng mga souvenirs at mga pampasalubong.. noong gabing iyon, doon na kami natulog sa bahay ng cousin ng tito ko.. kinabukasan, umuwi na kami dito sa cavite.. after a long trip.. nakauwi na din kami sa sibilisasyon.. hahaha.. joke.. namiss ko ang panonood ng tv eh.. ala kasi sound yung tv namin sa kwarto sa hotel.. hehe..
share ko lang ang lOoOoOoOoOong trip namin sa puerto princesa..
hehehe…